Nagkakaproblema na mga Pilipino sa Japan, sagot ng Philippine Expo

Nagkakaproblema na mga Pilipino sa Japan, sagot ng Philippine Expo

BUHAY na buhay ang bayanihan spirit sa Japan lalo na para tulungan ang mga kapwa nating Pilipino na nagkakaproblema sa kanilang visa. Isa nga sa mga handang umalalay ay ang Philippine Expo.

Si Lorna Tadokoro ay ilang dekada nang naninirahan dito sa Japan.

At isa sa kaniyang isinusulong katuwang ang Philippine Expo ay ang makatulong sa kapwa nitong Pilipino na nagkakaproblema sa kanilang visa sa Japan.

“Lahat ng problema ng mga Pilipino ay kaya namin i-solve,” saad ni Lorna Tadokoro, Vice Chairperson, Philippine Expo 2024.

Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing bansa pagdating sa labor force na ipinapadala sa ibang bansa. Ayon sa migration policy institute, tinatayang nasa 10M Pilipino ang nasa 200 bansa para manirahan o magtrabaho.

‘Di lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino ang mga problemang kinakaharap ng mga Overseas Filipino Worker lalo na kapag nagkakaproblema ito sa kanilang papel.

At isa ang Philippine Expo na handang magbigay ng assistance sa mga nagkakaproblema na Pilipino sa Japan.

“Lalo na ang mga Filipino dito na nawawalan ng visa o nagkakaron ng problema sa visa ang organizer ng Philippine Expo and Japanese Chairman and Vice Chairman tutulong po sila para magkaroon ng valid visa sa Japan,” pahayag ni Lorna Tadokoro, Vice Chairperson, Philippine Expo 2024.

Samantala, naglunsad ang Philippine Expo ng isang event sa Ueno Park, Tokyo kung saan matatagpuan ang ilang mga negosyo at mga ahensiya ng gobyerno mula sa Pilipinas at Japan.

Layunin ng expo ang ipakilala sa mga Hapon at mga Pilipino ang mga developers at iba pang negosyo na makatutulong sakaling nais nilang ikonsidera ang retirement sa Pilipinas.

“Aim ng Philippine Expo ay makatulong sa mga nagfo-for good na mga Japanese sa Pilipinas kami rin po ang tumutulong para sa mga nagfo-for good na mga Japanese sa Pilipinas na may mga lupa, bahay at nakakuha ng madaling visa,” dagdag ni Tadokoro.

Ayon sa Phil Expo sila rin ay aktibo sila para tulungan ang mga half Filipino, half Japanese na magkaroon ng break lalong-lalo na sa pagdating sa entertainment scene dito sa Japan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble