Nagsosolicit ng cash donation gamit ang CAAP, ibinabala sa publiko

Nagsosolicit ng cash donation gamit ang CAAP, ibinabala sa publiko

NAGBABALA ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko kaugnay sa mga indibidwal na nanghihingi ng cash donation gamit ang pangalan ng ahensya.

Ayon sa CAAP, hinihimok nito ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang mga aktibidad na may kaugnayan sa pagsosolicit ng cash donation upang sampahan ng mga naaangkop na kasong kriminal laban sa kanila.

Ang babala ng CAAP ay kasunod sa natatanggap na ulat na may mga ilang indibidwal na ginagamit ang tanggapan ng director general at tumatawag sa kanilang suppliers, clients, o stakeholders para humingi ng donasyong anila’y gagamitin ngayong Kapaskuhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter