WALANG naitalang pagkamatay noong 2024 sa sektor ng aviation.
Bukod diyan, Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bumaba ang kabuuang bilang ng mga aksidente mula sa labingtatlo noong 2023 kumpara sa apat noong 2024.
Ang mga malulubhang insidente ay bumaba rin mula sa anim noong 2023 at apat noong 2024.
Lahat ng mga insidente noong nakaraang taon ay limitado sa general aviation at mga pagsasanay, habang ang commercial aviation ay nanatiling walang aksidente o pagkamatay.
Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, ang pagbaba ng bilang ay dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga programa sa kaligtasan, mas mahigpit na pangangasiwa sa mga operasyon sa aviation, at pakikipagtulungan sa mga stakeholders sa industriya.
Patuloy din na binibigyang-prayoridad ng ahensya ang pagpapahusay ng pagsasanay sa mga piloto, paggamit ng makabagong teknolohiya sa kaligtasan, at pagsusulong ng proactive safety standards.
“Ano pong ginawa namin diyan? naging istrikto po kami sa pag-provide ng oversight sa mga air operators certificate holders ‘no – airlines tapos iyong ATO, iyong mga training organizations, tapos iyong AMO maintenance organizations, hinigpitan po namin ang oversight diyan,” ayon kay Capt. Manuel Antonio Tamayo – Director General, CAAP.
Para sa 2025, prayoridad ng CAAP ang pagpapatuloy ng mga proyekto sa modernisasyon, pagpapabuti ng karanasan ng mga pasahero, at pagpapalakas ng papel ng Pilipinas sa pandaigdigang industriya ng aviation.
Layunin nilang makamit ang “seamless skies” at “seamless connectivity” sa pamamagitan ng mas mahusay na pangangasiwa ng air traffic at pagpapabuti ng imprastraktura sa mga paliparan.
Follow SMNI News on Rumble