Nakaambang pagsasara ng Sofitel Hotel, pinagdudahan ng mga empleyado

Nakaambang pagsasara ng Sofitel Hotel, pinagdudahan ng mga empleyado

KINUWESTIYON ng mga empleyado ng Sofitel Hotel ang biglaang anunsiyo ng pagsasara ng naturang establisyemento.

Sa pulong balitaan sa Maynila ay sinabi ng mga manggagawa na kaduda-duda ang hakbang na ito ng Sofitel Hotel gayong hindi naman nalulugi ang kompanya at hindi rin sila naniniwala na renovation lang kaya isasara o ititigil ang operasyon.

Sinabi ni Arnold Bautista, pangulo ng Unyon ng mga Manggagawa na duda sila sa motibo ng management lalo pa kumikita naman ito, katunayan, hanggang 2041 pa ang kontrata ng Philippine Plaza Holdings Inc, ang operator ng Sofitel Hotel sa lupang kinatitirikan nito na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS).

Posible aniyang ang pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado ang tunay na dahilan ng pagsasara nito at hindi ang tunay na kalagayan ng istruktura ng gusali.

Kaugnay nito’y nakatanggap na ang mga empleyado ng notice of termination na nagsasabing hanggang sa Hunyo 30 na lang ang kanilang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter