NASA 42% lang o katumbas ng 11.1 milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kahirapan at kagutuman sa unang quarter ng taong 2024.
Batay ito sa OCTA Research survey na inilabas nitong Martes, Abril 23, 2024.
Mas mababa ito kumpara sa 45% o 11.9 milyong pamilya na nagugutom noong fourth quarter ng taong 2023.
Sa Metro Manila, bumaba ng 29% mula 40% ang nakararanas ng kahirapan; 28% mula sa 46% sa Balance Luzon; at 47% mula 57% sa Visayas.
Sa Mindanao nga lang, mula 59% noong 2023 ay nasa 71% na ang nakararanas ng kahirapan sa unang quarter ng 2024.