1 mataas na lider ng BIFF, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao del Sur

1 mataas na lider ng BIFF, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao del Sur

ISANG mataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – Karialan Faction (BIFF-KF) ang nasawi kasama ang 11 miyembro nito matapos ang ginawang military operations sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, araw ng Lunes, Abril 22, 2024.

Ayon kay Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, ang commander ng 1st Brigade Combat Team, ang nasawing lider ay kinilalang si Mohiden Animbang alias Karialan, chairman ng BIFF-KF.

Base sa ulat, 7:30 ng umaga kahapon nang magsimula ang bakbakan ng tropa ng kasundaluhan sa Sitio Pendililang sa nabanggit na barangay laban sa 15 indibidwal na miyembro ng BIFF-KF.

Nakuha ng militar ang 12 gamit pandigma gaya ng limang M16A1, tatlong M14, dalawang M653, isang M4 at isang mataas na kalibre ng baril.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng 10 iba pang mga terorista na nasawi sa operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble