NAKAHANDA na ang Philippine Army para sa nakatakdang pag-host nito sa darating na ika-32 edisyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Armies Rifles Meet (AARM).
Kaugnay rito ay nagsagawa ng inspeksiyon sa mga pasilidad ang mga kinatawan mula sa mga kalahok na hukbo sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.
Tiningnan ng mga kinatawan mula sa mga kalahok na ASEAN armies ang bagong ayos na grandstand pati na rin ang shooting ranges sa Marksmanship Training Center (MTC) sa Camp O’Donnell.
Ang edisyon ng nasabing AARM ngayong 2024 ay may temang “Pagtibayin ang Pagkakaibigan at Samahan Para sa Katatagan ng Rehiyon,” na binibigyang-diin ang kahalagahan ng taunang shoot fest bilang isang bahagi ng kultura at pagiging diplomatiko.