Nasa 100-K pasahero inaasahang dadagsa ngayong Undas sa Davao City Terminal

Nasa 100-K pasahero inaasahang dadagsa ngayong Undas sa Davao City Terminal

INAASAHAN ng pamunuan ng Davao City Overland Transport Terminal na aabot sa 100-K pasahero ang dadagsa upang makauwi sa kanilang mga probinsya ngayong darating na Undas.

Sa isinagawang briefing ng AFP-PNP sinabi ni Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) Manager Aisa Usop tiyak na marami ang uuwi sa kanilang mga probinsya para dalawin ang kanilang mga mahal na yumao.

Maliban dito inaasahan din nila ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Oktubre 28 dahil sa long weekend makaraang ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na holiday ang Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Dahil dito nasa 2,000 bus ang inihahanda ng DCOTT upang matiyak na lahat ng pasahero ay makakauwi at makararating sa kanilang destinasyon.

Samantala, pakiusap ng pamunuan sa mga pasahero na maagang magtungo sa terminal dahil tiyak na ang mahabang pila dahil sa patuloy na implementasyon ng ‘no pick-up policy’ sa mga bus stops sa lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter