National Amnesty Commission tumanggap na ng mahigit 2.4K aplikasyon

National Amnesty Commission tumanggap na ng mahigit 2.4K aplikasyon

NAKATANGGAP na ng mahigit 2.4K (2,424) na aplikasyon para sa amnestiya ang National Amnesty Commission (NAC).

1.5K (1,546) rito ay mula sa dating mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.

63 naman ay mula sa Revolutionary Partido ng Manggagawa-Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade; 518 mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF); at 297 mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang NAC ay may tungkuling tumanggap at magproseso ng mga aplikasyon para sa amnestiya at tukuyin kung kwalipikado ang aplikante na makatanggap ng presidential amnesty.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble