NGAYONG araw ng Lunes, Nobyembre 4, idineklara ng Malakanyang bilang National Day of Mourning.
Ito’y bilang pag-alala sa mga nasawi at sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Batay sa Proclamation 728, inatasan ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na i-half mast ang mga watawat ng Pilipinas sa buong bansa at sa mga tanggapan ng Pilipinas sa ibayong dagat ngayong araw.
Matatandaan na umabot sa 150 ang nasawi sa buong bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine kung saan libu-libong pamilya naman ang inilikas at nawalan ng mga tahanan dahil sa matinding mga pagbaha.
Follow SMNI News on Rumble