BINIGYAN ng plaque of recognition ng Philippine Marine Corps (PMC) si National Security Adviser Clarita Carlos.
Ito ay pagkilala sa kanyang napakahalagang serbisyo bilang miyembro ng PMC Board of Advisers mula noong 2017.
Iginawad ni Philippine Marine Corps commandant Major General Nestor Herico ang pagkilala kay Dr. Carlos sa isang seremonya kasabay ng pagbisita nito sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Ayon kay Herico, ang kontribusyon ni Dr. Carlos bilang isang adviser ay nakatulong sa paghubog ng ilang mga patakaran at programa ng Marines.
Sinabi pa ni Herico na ang buong Marines ay binabati si Dr. Carlos sa kanyang appointment at umaasa na makasama nila ito sa kanyang bagong tungkulin.