NAGHANDOG ng medical assistance ang Navotas LGU sa ilang piling benepisyaryo ng kanilang lungsod.
Aabot sa 152 Navoteño ang nakatanggap ng financial aid para sa kanilang maintenance medicine, dialysis, cancer treatment at iba pa.
Ang ayuda ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan ay namigay na rin ang Navotas City ng financial aid na nagkakahalaga ng tig-dalawang libo sa solo parents ng kanilang lungsod.
Sa latest data, umabot sa 450 ang benepisyaryo nito.