PUMALO na sa 160,415 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa lungsod ng Navotas.
Batay ito sa Navobakuna update noong alas 8 ng gabi ng Hulyo 22, 2021.
Sa nasabing kabuuang bilang, 103,844 doses ang itinurok bilang first dose habang 56,571 na ang fully vaccinated matapos matanggap ang kanilang second dose.
Sa bilang ng mga fully vaccinated, 1,259 dito ay medical frontliners, 10,903 ay senior citizens, 28,384 ay persons with comorbidities, 14,208 ay economic frontliners at 1,817 ay kabilang sa indigent population.
Sinabi ng city government na kabuuang 150,000 ang target na mabakunahan sa lungsod.