NBA, minultahan si Buddy Hield ng Indiana Pacers

NBA, minultahan si Buddy Hield ng Indiana Pacers

MINULTAHAN ng National Basketball Association (NBA) ang guard ng Indiana Pacers na si Buddy Hield ng $25,000 dahil sa ginawa nitong hindi kaaya-ayang aksiyon sa kalagitnaan ng kanilang laban kontra sa Charlotte Hornets.

Ginawa ni Hield ang violation sa ika-30 segundo ng 2 quarter, ang pagkatalo ng Indiana sa Charlotte na nagtapos sa iskor na 115-109.

Ito na ang ika-7 NBA campaign ng 30 taong gulang na backcourt standout at may average na 17.1 points, 5.0 rebounds, 2.7 assists at 1.2 steals kada laro para sa Pacers.

Kasalukuyang may standing ang team nito na 32-40 win-loss record at nasa ika-11 puwesto ng Eastern Conference.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter