NBI, ibinunyag na may pangatlong “Alice Guo”

NBI, ibinunyag na may pangatlong “Alice Guo”

MAYROONG pangatlong “Alice Guo”.

Ito ang pinaka-latest na inihayag ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago.

Naghain aniya ito ng NBI clearance sa Quezon City taong 2005.

Iyon nga lang ayon kay Santiago, “not existing” ang naturang indibidwal nang suriin ang place of residence nito batay sa kaniyang records.

Noong nakaraang buwan ay sinabi na ng NBI na nadiskubre nilang mayroong ibang indibidwal na nagngangalang Alice Leal Guo.

Ibig sabihin, kapareho ito sa ginagamit na pangalan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kaniyang personal documents.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble