ISA ang Pilipinas sa Top 20 “biggest gambling countries” sa buong Asya.
Sa katunayan, batay sa ulat ng Finance website na Insider Monkey, number 1 ang Pilipinas.
Sa kanilang tala, nasa pitumput anim ang mga casino sa bansa habang nasa animnaput anim ang casino hotels.
Taong 1976 pa ng gawing ligal ang pagsusugal sa Pilipinas at mula noon ay mabilis na ang paglaki nito.
Samantala, pumapangalawa sa Pilipinas ang Cambodia; pumapangatlo ang Macau, China; pang-apat ang Vietnam; at pang-lima ang South Korea.