NCIP Chairman Capuyan at Rep. Manuel ng Kabataan Party-list, nagkasagutan sa budget briefing ng DSWD

NCIP Chairman Capuyan at Rep. Manuel ng Kabataan Party-list, nagkasagutan sa budget briefing ng DSWD

NAGKASAGUTAN sa budget hearing ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang isang anti at pro-communist na opisyal ng gobyerno sa isyu ng red-tagging.

Red tagging na naman ang reklamo ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa budget briefing ng DSWD.

At ang puntirya ni Manuel, ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na isang supervised agency ng DSWD.

“Gusto kong tanungin sa NCIP kung alam ba ng ating National Security adviser na si Ms. Clarita Carlos yung inyung outright na pangre-redtag?” tanong ni Manuel.

“We are not red tagging, we are truth-telling,” tugon naman ni NCIP Chairperson Allen Capuyan.

Nagbanta pa si Manuel na haharangin nito ang budget ng mga ahensiya na nangre-red tag.

At muling tinanong si Capuyan kung alam ba ng nakatataas ang pagbubulgar na ginagawa ng NCIP sa kanila.

Ngunit nanindigan ang NCIP na totoo ang sinasabi nila laban sa mga makakaliwa.

“All actions of NCIP as part of the NTF-ELCAC are posted in the Viber groups of NTF-ELCAC which include the National Security Adviser. Lahat ng ginagawa namin ay sinasabi namin doon sa mga Viber groups ng mga talking heads,” ayon kay Capuyan.

“At least malinaw sa atin na may basbas ng NTF-ELCAC pati ng mga leaders nito yung ating NSA adviser,” tugon naman ni Manuel.

Pinaliwanag din ni Capuyan na totoo ang pinaglalaban ng NCIP laban sa CPP-NPA-NDF at may mga ebidensya silang hawak para patunayan ito.

“Malalim po ito na research na ginawa not only of the NCIP but this is the work of the entire 12 national clusters of the NTF-ELCAC. Agreed upon by the intelligence agencies of the government at mga live witnesses who are victims of this organization,” ani Capuyan.

Para sa 2023, mahigit sa P1.4-B ang proposed budget ng NCIP.

Sa susunod na taon, bahagyang bumababa ang budget ng DSWD sa higit P194-B.

Mula ito sa P202-B budget ngayong taon.

At malaking bahagi ng pondo ay mapupunta sa 4Ps.

At patuloy ngayon ang kanilang verification sa kung sino ang mapapasama sa P1.3-M na tatanggalin sa 4Ps.

“Hindi naman po porke’t aalisin namin it will take a few months po bago sila mawala sa aming listahan. Subalit meron pa po kaming other programs pa po sa kanila tulad po ng sustainable livelihood program. Pwede po silang i-enrol doon,” ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo.

Prayoridad din ng DSWD na mabigyan ng cash incentive ang mahigit 600 centenarians na dapat mabigyan.

“Hihingin po namin madam Chair with prayer po ay kung maaari po sa social pension at saka sa centenarian kasi baka hindi na po nila abutin,” ani Tulfo.

Nagkaisa naman ang mga mambabatas na ma-institutionalize ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na isa sa mga dole out programs ngayon ng DSWD.

Nilinaw naman ng DSWD na walang matitipid na pondo ang ahensiya sa delisting ng 4Ps beneficiaries.

Dahil ang mababawas na 1.3 million beneficiaries ay papalitan ng mga bagong benepisyaryo.

 

Follow SMNI News on Twitter