NEGATIBO sa anumang banta sa seguridad ang unang araw ng FIBA World Cup sa bansa.
Sa panayam ng SMNI kay National Capital Region Police Office (NCRPO) PIO chief PLtCol. Eunice Salas, sinabi nito na nananatiling smooth hanggang sa mga oras na ito ang opening ng FIBA World Cup na gaganapin sa Bulacan, araw ng Biyernes Agosto 25, 2023.
Sakali naman aniya na may mamataan sila na kaduda-dudang kilos ng publiko, nakahanda ang kapulisan na umaksiyon dito.
Patuloy ang pakiusap ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad lalo na sa pagtungo sa mga pangunahing lansangan kung saan gaganapin ang FIBA World Cup dahil sa inaasahang pagbigat na daloy ng trapiko.