NANANATILING positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na makakamit pa rin ng Pilipinas ang upper middle-income status sa 2025.
Ito ay kung makuha ng bansa ang 6-7% growth ngayong taon ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan.
Kung hindi man sa susunod na taon ay maaaring makukuha na ito ng bansa sa unang bahagi ng 2026.
Sa kasalukuyan ay nasa lower middle-income pa ang Pilipinas at may Gross National Income (GNI) per capita na $3,950.
Para makapasok sa upper middle-income ay kailangan magkaroon muna ng GNI per capita na $4,466 hanggang $13,845.