Negros Oriental BSKE 2023, buong puwersang tinututukan ng COMELEC at AFP

Negros Oriental BSKE 2023, buong puwersang tinututukan ng COMELEC at AFP

ITINODO na ang seguridad sa buong probinsiya ng Negros Oriental sa ilalim ng Commission on Election (COMELEC) control ang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Bilang bahagi sa pagpapaigting ng seguridad sa probinsiya, nagpadala ang Visayas Command ng dalawang combat utility helicopters bilang paghahanda sa posibleng mangyaring karasahan o hindi inaasahang ganap.

Isang Blackhawk at Bell helicopter ang naka-standby sa Camp Leon Kilat sa lungsod ng Tanjay bilang close-air support sa kanilang ground troops.

Ayon kay VisCom Commander Lt. General Benedict Arevalo, bagama’t kampante na sila sa inilatag na seguridad sa probinsya ay hindi pa rin sila maaaring maging kumpiyansa.

“We don’t want to take any chances, We know that the peace and order situation in Negros Oriental is now stable and very much under the control of the government,” ani LtGen. Benedict M. Arevalo PA, Commander, Visayas Command, AFP.

Araw pa lang ng Sabado ay ipinatupad na ng Regional Joint Security Control Center (RJSC) ang malawakang curfew sa probinsiya hangang sa Oktubre 31, simula alas-10 ng gabi hangang alas kwarto ng umaga.

Sa pag-iikot ng SMNI Team sa lungsod ng Dumaguete nitong  Oktubre 29 ng gabi, ramdam sa lugar ang pagsunod ng mga mamamayan sa ipinatutupad na restriksiyon.

Tinatayang umabot na sa 2,719 AFP personnel ang naipakalat sa buong probinsiya at sa bilang na ito, 1,285 personnel ang nakatutok sa military operations sa mga kumunidad na may presensiya ng CPP-NPA upang mapigil ang anumang mga galaw na maaring maging hadlang sa electoral process sa naturang lugar.

Ang Negros Oriental ay may siyam na election watchlist areas, isa na rito ang isinailalim sa area of concern dahil sa mainit na political rivalry, samantalang ang ibang walong area ay nakapabilang sa areas of immediate concern dahil sa napaulat na presensiya ng mga komunistang rebelde.

Ang mga ito ay naka-alinsunod sa Color Coding Scheme ng COMELEC.

Kulay berde para sa walang umiiral na problema o cause of concern sa lugar, kulay dilaw naman para sa dumaranas ng kaguluhan na may kinalaman sa politika, orange category ang mga lugar na may presensiya ng bandidong grupo at pula sa mga maituturing na critical areas.

 

Areas in Negros Oriental under COMELEC watchlist:

Yellow Category

Barangay Cabalayongan, Basay

Orange Category                            

Trinidad, Guihulngan City

Tayak, Siaton

Napacao, Siaton

Enrique Villanueva, Sibulan

Nagbinlod, Sta. Catalina

Milagrosa, Sta. Catalina

Talalak, Sta. Catalina

Buenavista, Sta. Catalina

 

Follow SMNI NEWS on Twitter