NFA, naghahanda sa lean months at kalamidad

NFA, naghahanda sa lean months at kalamidad

PINAGHAHANDAAN na ng National Food Authority (NFA) ang pag-iimbak ng suplay ng bigas para sa nalalapit na pagsisimula ng lean months.

Ayon sa ahensiya, posible ang pagtama ng mga bagyo sa bansa sa kabila ng banta ng El Niño.

Nais ng NFA na matiyak ang kasapatan na buffer-stock ng bigas sakaling magkaroon ng mga emergency.

Ipinag-utos naman ni NFA administrator Roderico Bioco ang mga regional manager ng concerned regions na bilisan ang paghahanda.

Sinabi pa ng NFA, ginagawa na nila ang paglilipat ng stocks mula sa surplus rice production areas tulad ng Regions 1-4, Region 6 at Region 12 patungo sa ibang lalawigan at sa strategic NFA warehouses sa buong bansa.

Sinisiguro ng ahensiya na agad matutugunan ang paghahatid ng tulong sa oras magkaroon ng mga kalamidad, emergency, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter