NGCP, target na matapos ang P5.48-B project sa Boracay sa 2024

NGCP, target na matapos ang P5.48-B project sa Boracay sa 2024

TARGET na matapos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang P5.48 bilyon project sa Boracay para sa power requirements sa isla.

Ayon sa NGCP, kailangan ng grid expansion at mga proyektong susuporta sa pag-unlad upang masolusyunan ang lumalaking pangangailangan ng kuryente sa isla.

Mas pagtitibayin ng NGCP ang grid ng karagdagang submarine cable at i-upgrade ang kasalukuyang 69-KV na pasilidad sa 138-KV na nag-uugnay sa mainland sa Boracay Island, ang overhead transmission lines, at cable terminal stations na makatutulong sa isla sa susunod na mga taon.

Ang kasalukuyang konstruksyon ng proyektong Nabas-Caticlan-Boracay 138-KV line ay isang long-term solution sa lumalawak na demand sa elektrisidad ng kilalang ‘Wold’s Best Travel Destinations’.

Ang NGCP ay isang Filipino-led at pribadong kumpanya na namamahala sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng mga power grid ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter