NLEX-SLEX Connector, maniningil na ng toll fee sa susunod na linggo

NLEX-SLEX Connector, maniningil na ng toll fee sa susunod na linggo

MAYROON ng toll fee para sa mga motoristang dumadaan sa NLEX-SLEX Connector simula Agosto 8, 2023.

Sa Notice to Start Collection na inilabas ng Toll Regulatory Board, nasa 86 pesos ang babayaran para sa class 1 o mga kotse at SUVs.

215 pesos para sa class 2 o minivans at mga bus; habang 302 pesos para sa class 3 o malalaking truck at trailers.

Ang NLEX-SLEX connector na matatagpuan mula sa Caloocan hanggang España ay isang public-private partnership project na inaprubahan ng NEDA-Investment Coordination Committee noong 2015.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble