NME, inilabas na ang kanilang “50 Best Songs” para sa 2023

NME, inilabas na ang kanilang “50 Best Songs” para sa 2023

INILABAS na ng NME, isang British publication ang kanilang year-end list ng “50 Best Songs” para sa 2023.

Bagama’t dominante ang Western artists sa listahan, pasok pa rin ang iilan mula sa Asya partikular na ang K-pop groups.

Sa nabanggit na listahan, No. 2 ang “Super Shy” ng New Jeans; No. 32 ang “Eve, Psyche & The Bluebeard’s Wife” ng Le Sserafim; No. 35 ang “Queencard” ng (G) I-dle; at No. 45 ang “Perfume” ng NCT sub-unit na DoJaeJung.

Pasok din sa listahan ang dalawang kanta ni American subalit may Filipino ancestry singer-songwriter at actress Olivia Rodrigo.

Ito ay ang kaniyang “Vampire” para sa No.4 at “Bad Idea, Right?” sa No. 12.

Ang English legendary rock band na The Beatles ay pasok din sa listahan at ito’y No. 10 para sa kanilang “Now and Then”.

Samantala, sa listahan ng Better New York Times 2023, tanging Asian na pasok ang K-pop girl group na aespa at sila ay nasa No. 13 para sa kanilang kantang “Better Things”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble