INIHANDA ng AFP Visayas Command (VisCom) ang kanilang quick reaction forces upang mabilis na makatugon sa pag-atake ng mga terorista.
Ito ay kasunod ng pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, kung saan nasawi ang 4 indibidwal at ikinasugat ng 45 iba pa.
Sinabi ni AFP VisCom commander Lieutenant General Benedict Arevalo na nakahandang tumulong ang quick reaction forces sa Philippine National Police (PNP) upang mapigilan ang anumang tangkang pag-atake sa Kabisayaan.
Ayon kay Arevalo, pinaghahandaan nila ang posibilidad na kumalat sa rehiyon ang nangyaring pag-atake sa Mindanao.
Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na may nakahandang security measures ang VisCom upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko.
