NALAMBAT na ng awtoridad ang no. 4 most wanted person ng Santa Rosa City sa Laguna.
Ito ay matapos ang manhunt operation ng mga tauhan ng Santa Rosa City Police Station sa Barangay Caingin.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna Police ang akusado na si alyas Quintin.
Si alyas Quintin ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado habang kanilang ipapaalam sa korte ang pagkakaaresto rito.
Pinasalamatan naman ni Colonel Silvio ang publiko sa pagsuporta sa kanilang matagumpay na pagkakahuli sa nagtatago sa batas.