No. 7 Regional Most Wanted sa Isabela, naaresto ng CIDG

No. 7 Regional Most Wanted sa Isabela, naaresto ng CIDG

ARESTADO ang No. 7 Regional Most Wanted Person sa Isabela matapos ang isinagawang Oplan Pagtugis ng pulisya.

Sa ulat kay PNP CIDG acting director Police Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang akusado na si Mariano Sarasa Aquino Jr.

Siya ay nahaharap sa tatlong bilang ng rape at paglabag sa Special Protection of Children against Child Abuse Exploitation and Discrimination Act.

Nahuli si Aquino sa Barangay Baligatan, Ilagan City, Isabela.

Dinala na siya sa CIDG Isabela Office para sa documentation at proper disposition bago ang pagbabalik ng warrant of arrest sa korte.

Pinuri naman ni Lee ang kanilang mga tauhan sa masinop na pagpapatupad ng batas lalo na ang kanilang anti-criminality campaign.

Follow SMNI NEWS in Twitter