Nonito Donaire, muling nakuha ang kaniyang Filipino citizenship

Nonito Donaire, muling nakuha ang kaniyang Filipino citizenship

MULING nakuha ni The Filipino Flash Nonito Donaire ang kaniyang Filipino citizenship.

Isinagawa ang panunumpa ni Donaire ng kaniyang katapatan sa Pilipinas sa Philippine Consulate General sa San Francisco sa Estados Unidos noong Agosto 14.

Ayon kay Donaire na tubong Bohol ay proud na proud na maging Pilipino matapos nitong nire-acquire ang kaniyang citizenship na ang ibig sabihin ay maaari na siyang manatili o tumira nang matagal sa Pilipinas.

Si Donaire na isang American citizen ay ngayon ay isa nang ganap na dual citizen sa ilalim ng Republic Act No. 9225 matapos itong manumpa kasama ang kaniyang asawa na si Rachel.

Maliban sa kanilang mag-asawa, ganap na ring dual citizen ang kaniyang dalawang anak.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble