North American ‘Lovescene’ tour concert ni James Reid, kinansela

North American ‘Lovescene’ tour concert ni James Reid, kinansela

KINANSELA ni James Reid ang kaniyang nalalapit na concert sa North America.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng singer ang dahilan ng pagkansela ng kaniyang concert.

Sinabi nito na mayroon itong dinaranas na nakakaapekto sa kaniyang physical, emotional at mental health.

Aminado ito na ang paghahanda lamang sa nasabing concert ay malaking hamon sa physical, emotional at mental health.

Pinasalamatan naman nito ang kaniyang mga fans dahil sa pagtangkilik ng kaniyang tickets at tiniyak nito na agad siyang babalik kapag gumaling na pinagdadaanan niya.

Follow SMNI NEWS in Twitter