NAGBABALA ang North Korea na malinaw na deklarasyon ng giyera kung patatamaan ang kanilang missile sa testing nito sa Pacific Ocean.
Mas pinaigting kamakailan ng Estados Unidos at South Korea ang defense cooperation nito kung saan nagsagawa ito ng mga joint drill sa gitna ng tumataas na panganib na nuclear mula sa Pyongyang.
Ayon sa North Korea ang nuclear weapons nito at missile program ay para sa self-defense nito at sinabing ang military exercises ng South Korea at U.S. ay paghahanda sa pananakop nito.
Matatandaan na ngayong buwan ay magsasagawa ang U.S. at South Korean military ng kanilang pinakamalaking joint drills sa loob ng 5 taon.