Operasyon ng PUVs sa ikalawang araw ng tigil-pasada, nanatiling normal

Operasyon ng PUVs sa ikalawang araw ng tigil-pasada, nanatiling normal

NANATILI pa ring normal ang operasyon ng mga public utility vehicle (PUV) sa Metro Manila sa ikalawang araw ng tigil-pasada ng transport groups.

Ito ay kahit na may naitalang hiwa-hiwalay na kaganapan ng pagprotesta sa ilang lugar.

Batay sa assessment ng Inter-Agency Task Force hanggang kaninang alas 8:30 ng umaga, may presensya ng mga raliyista sa Heritage Baclaran, Old Terminal Alabang, Monumento, Catmon/St. Francis St., Malabon.

Bukod dito, wala ring naobserbahang stranded na mga pasahero sa mga kalsada kung saan nakapagdeploy ng rescue units ang pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter