North Korea, nagpalipad ng dalawang missile patungo sa karagatan ng Japan

North Korea, nagpalipad ng dalawang missile patungo sa karagatan ng Japan

NAGPALIPAD ang North Korea ng dalawang ballistic missile patungo sa karagatan ng Japan kasunod ng weekend launch nito ng intercontinental ballistic missile.

Ang 2 missile ay tinatayang bumagsak sa labas ng exclusive economic zone ng Japan at wala namang naiulat na natamaan na aircraft at barko.

Ang unang missile ay inilunsad bandang alas sais singkwentay nuwebe ng umaga at tinatayang lumipad sa altitude na 100 kilometro at naabot ang layo na 400 kilometro.

Ang ikalawang missile ay tinatayang inilunsad naman bandang alas syete dyes ng umaga at mayroong altitude na 50 kilometro at naabot naman ang layo na 350 kilometro.

Inihayag ni Prime Minister Fumio Kishida sa mga reporter na ang Japan ay nag-request ng emergency meeting sa UN Security Council ukol sa North Korean missile launch na ito.

Nagsagawa naman ang Security Council ng pagpupulong ayon na rin sa chairman nito na Malta.

Ayon sa gobyerno ay naglabas ito ng diplomatic protest sa North Korea sa pamamagitan ng Japanese Embassy sa Beijing.

Follow SMNI NEWS in Twitter