North Luzon Expressway nagtaas na ng toll fee

North Luzon Expressway nagtaas na ng toll fee

NAGSIMULA na ang pagtaas sa toll fee ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Marso 2, 2025.

Para sa Class 1 na sasakyang bumibiyahe mula Balintawak papuntang Marilao, Bulacan exit, kasama na ang Caloocan at Mindanao Ave. exits, nasa P5.00 ang itinaas nito;
P13.00 para sa Class 2;
at P15.00 para sa Class 3.

Ibig sabihin, ang bagong toll fee ay magiging:

  • P79 para sa Class 1
  • P199 para sa Class 2
  • P238 para sa Class 3

Class 1 – Regular na kotse at SUV
Class 2 – Bus at maliliit na truck
Class 3 – Malalaking truck

Ayon sa Toll Regulatory Board, ang pagtaas ng toll ay batay sa petisyon noong 2022 na hindi naipatupad noong 2023.

Samantala, ang mga motoristang gagamit ng NLEX mula Balintawak hanggang Sta. Ines, Pampanga ay kailangang magbayad ng karagdagang:

  • P57 para sa Class 1
  • P142 para sa Class 2
  • P171 para sa Class 3

Dahil dito, ang bagong toll fee para sa end-to-end trip ay magiging:

  • P416 para sa Class 1
  • P1,039 para sa Class 2
  • P1,247 para sa Class 3

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble