BINUKSAN na sa mga motorista ang North Luzon Expressway (NLEX) Candaba 3rd Viaduct sa Pulilan, Bulacan.
Ang P7.8B Candaba Viaduct ay isang five-kilometer bridge na magkokonekta sa bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga.
Ang pagbubukas ng nasabing viaduct nitong Martes ay inaasahang magpapalakas ng pag-unlad ng Gitnang Luzon sa pamamagitan ng pagtaas ng mga aktibidad sa ekonomiya at turismo.
Bibilis ang pag-transport ng mga produkto at paggalaw ng turista sa buong rehiyon.
Matutugunan din umano ang mga pangangailangan ng lumalaking populasyon at ekonomiya dahil maaari itong tumanggap ng mahigit 80,000 motorista araw-araw kasunod ng pagpapalawak nito sa tatlong lanes mula sa two-lane design.