NOTAM kaugnay sa Bulkan Mayon, muling pinalawig –CAAP

NOTAM kaugnay sa Bulkan Mayon, muling pinalawig –CAAP

MULING pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay sa banta ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa CAAP, epektibo ngayong araw October 17 hanggang bukas October 18 ang nasabing NOTAM kung saan pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad o 10,000 feet mula sa tuktok ng bulkan.

Ang NOTAM na inilabas ng CAAP ay alinsunod sa Alert Level 2 status na inisyu ng PHIVOLCS.

Wala namang naiulat na apektadong flights na mula at papunta sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon.

 

Follow SMNI News on Twitter