Sitwasyon ng mga empleyado ng Office of the Press Secretary, kinamusta ni OIC Garafil

Sitwasyon ng mga empleyado ng Office of the Press Secretary, kinamusta ni OIC Garafil

PORMAL na binisita ni Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge (OIC) Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ang OPS nitong umaga ng Lunes, Oktubre 17.

Ang pagbisita ni Garafil ay upang kumustahin ang mga empleyado at alamin ang kalagayan ng mga ito at ng opisina.

Kung matatandaan, binisita at ininspeksyon din ni Garafil ang PTV Office sa Quezon City kamakailan.

Kinamusta ng OPS OIC ang estado at operasyon ng PTV at inalam ang kapakanan ng mga kawani nito kung saan napag-alaman nito ang ilan sa mga problemang inihain ng unyon at mga empleyado ng istasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter