NIRANSACK ang bahay ng isang retired officer ng Philippine Army sa Surigao del Sur ng umano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa mga larawan sa social media ay makikita ang pagpasok ng mga miyembro ng Guerrilla Front 30 sa isang bahay sa Purok 5 Sitio Lubcon, Brgy Mabahin Cortes, Surigao Del Sur.
Kinilala ang may ari ng bahay na si retired 2Lt. Joven Rivera ng Philippine Army (PA).
Makikita sa larawan na nakaupo si Rivera at tila walang magawa habang pwersahang pinapasok ang kanyang tahanan na pinamumunuan ng Guerrilla Front 30 leader na si Joel Mahinay alyas Nico.
Sa panayam ng SMNI News kay Caraga Region Chief PIO Police Major Dorothy Tumulak, may mga nakuhang gamit ang mga rebelde sa bahay ng opisyal kasama na rito ang kanyang uniporme.
Sa isa pang larawan makikita naman ang nakaabang na mga miyembro ng tulisang CPP-NPA na nakaharang sa national highway sa nasabing barangay.
Ayon sa mga otoridad malaking abala ang idinulot ng mga NPA sa lugar.
Sa ngayon, puspusan ang manhunt operation na isinasagawa ng mga otoridad upang tugisin ang mga rebeldeng komunistang ito.
Sa inisyal na pagsisiyasat, si Rivera ay tumatakbo ngayon sa bayan ng Cortez.