NPA recruitment sa mga kabataan, mapipigilan kung mayroong mandatory ROTC – dating kadre

NPA recruitment sa mga kabataan, mapipigilan kung mayroong mandatory ROTC – dating kadre

TULUYAN na ngang mapipigilan ang recruitment sa hanay ng mga kabataan sa pagiging rebelde sakaling maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon ito mismo sa kilalang dating kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz na sinang-ayunan naman ng dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Dr. Lorraine Badoy.

Ito’y kasunod ng pagtutol ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa planong pagpatutupad ng nasabing programa ng Philippine Army.

Sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI, nagpahayag ng pagsuporta si Ka Eric sa pagpalalakas ng reserve force sa ating bansa upang magkaroon ng counter part sa information capability.

Samantala, sa kanyang panayam sa Laban Kasama ang Bayan, inihayag ni Maj. Gen. Fernando Felipe, commander ng Reserve Command ng Philippine Army na layunin ng ROTC na maging disiplinado ang mga kabataan at hubugin ang mga ito na magkaroon ng malasakit at pagmamahal sa bayan.

Kinukumbinsi naman ngayon ng Army Reserve Command Chief ang mga local chief executive na suportahan ang mandatory ROTC hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga barangay.

Tinitiyak din ng Army Reserve Command Chief na walang maaabuso na mga kabataan sa kanilang paglahok sa ROTC.

Nagpaabot naman ng pagpapasalamat ang Army Reserve Command Chief sa suporta sa reserve force ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at World Missionary Chaplain at World Ambassador for Peace.

Matatandaang kamakailan lang ay tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong reservists sa ilalim ng 2nd Metro Davao Signal Battalion-SMNI PAARU sa isang seremonya na dinaluhan ng army officials at ni Pastor Apollo.

Matatandaan ding parehong suportado nina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at  Vice President  Sara Duterte ang pagpatutupad ng mandatory ROTC.

Samantala, nagsimula na rin ang pagdinig sa Senado kaugnay sa panukalang gawing mandatoryo ang ROTC.

 

Follow SMNI News on Twitter