NANAWAGAN na tutukan ang paggamit ng single dose vaccine ng COVID-19 si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa National Task Force (NTF) on COVID-19 at sa National Vaccination Operation Center ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Salceda, mainam na gamitin ang single dose vaccine ng J&J lalo na sa vulnerable groups o mga Pinoy na mas malaki ang prone na matamaan ng virus.
Ani Salceda, may 40% na banta ng severe infection ng COVID-19 para doon sa vulnerable groups na 1st dose pa lang ang nakukuha.
At malaki aniya itong factor para sa paglala ng hospitalization rate sa bansa.
“Vulnerable populations that have been jabbed with one dose are still 40 percentage points at risk of infection. That’s a possible future driver for high hospitalization rates,”ayon kay Rep. Joey Salceda.
Malaki rin aniya ang consumption rate ng J&J vaccine na nasa 65% kaya dapat maparami ang suplay nito sa bansa.
“The consumption rate for Johnson and Johnson is at around 65%. We need to drive that up, and even do it faster than the other vaccines,”ayon pa rin ni Salceda.
“Well that’s the policy no, na Johnson Johnson vaccine paubos na yun. We actually allocated them for A2, senior citizens so diyan ina-allocate talaga yan,”dagdag nito.
Matatandaan na dumating sa bansa ang mahigit sa 3 milyong doses ng J&j vaccines noong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng COVAX Facility.
‘’Sa ngayon ay mayroong 3.2 million doses ng Johnson & Johnson vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility,’’ayon kay Dr. Ted Herbosa, NTF Adviser on COVID-19.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Herbosa ang publiko na tulungan ang pamahalaan sa layunin ng paghihigpit ng quarantine restrictions.
“Tuloy ang ating ECQ no so huwag nyo nalang hanapan ng palusot yung pwedeng makalabas at maging (APOR). Importante na isipin natin na huwag muna tayong lumabas for 2 weeks. Tumulong tayo na hindi kumalat itong Delta variant sa NCR, let’s stay home for possible,’’ ayon kay Herbosa.
“Let’s stay home when possible at kung may lalabas na kailangang bumili ng gamit make sure siya ay fully vaccinated. Sapagka’t alam natin na kung dalawa ang bakuna mas less ang chance mong mamatay o magkaroon ng critical illness,” dagdag ni Herbosa.