Super Task Force SONA, nakahanda na para sa huling ulat ng bayan ni Pangulong Duterte

Super Task Force SONA, nakahanda na para sa huling ulat ng bayan ni Pangulong Duterte

NAKAHANDA na para sa huling ulat ng bayan ni Pangulong Duterte ang Super Task Force SONA.

Nitong linggo ay nagkaroon ng send off ceremony ang mga tropa ng Philippine National Police(PNP) kung saan may inilaang 18 bus ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magagamit ng kapulisan papunta  sa kani-kanilang area of responsibility.

Bahagi ito ng paghahanda sa gagawing huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO Chief at Super Task Force SONA Commander PMaj. Gen. Vicente Danao Jr. na may nakalaan na apat na bus sa bawat district na maghahatid sundo sa kanilang mga nasasakupan.

Dagdag pa ng heneral, kinakailangan ng maayos na sasakyan ang mga pulis lalupa’t umuulan pero handang handa na ang buong kapulisan para sa gaganaping SONA.

Main priority naman ni General Danao ang seguridad sa loob ng Metro Manila, pero nilinaw ng heneral na wala naman silang nakikita o namomonitor na serious threat.

Ipinaabot ni General Danao ang kanyang pasasalamat sa bawat isa na tumulong sa kanila sa paghahanda sa kaganapan.

“Ipagdasal nating lahat na ang kaganapan ay magtapos sa zero incidence of crime and disorder,” aniya.

Naka heightened alert naman ang mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) kasabay nito ay binuo din ang tinatawag na Manila shield.

SMNI NEWS