Number 1 most wanted sa Coron at number 2 sa Palawan, naaresto sa Valenzuela

Number 1 most wanted sa Coron at number 2 sa Palawan, naaresto sa Valenzuela

ARESTADO ng Valenzuela PNP ang isang lalaking nasa talaan ng Municipal Level ng Coron Police Station bilang number 1 most wanted person at number 2 most wanted naman sa provincial level ng Palawan Provincial Police Office.

Kinilala ang akusado na si Francis Ivan Ferrer, 34 years old, kasalukuyang nakatira sa Langkaan 2, Dasmariñas, Cavite City.

Siya ay inaresto base sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arnel Pecundo Cezar ng Regional Trial Court Branch 163, dahil sa kasong rape.

Pansamantalang nakadetine ang akusado sa Valenzuela Police Detention facility habang hinihintay ang commitment order.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter