Number coding scheme, hindi ipaiiral ngayong Lunar New Year—MMDA

Number coding scheme, hindi ipaiiral ngayong Lunar New Year—MMDA

WALANG ipaiiral na number coding scheme ngayong araw, Enero 29, 2025 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Lunar New Year.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aasahan ang mabigat na daloy ng sasakyan sa Binondo, Manila na kilala rin bilang ‘Chinatown’.

Ipinaalala rin ng MMDA na planuhin nang maigi ang mga biyahe upang hindi maantala sa trapiko.

Ang Lunar New Year ay isang special non-working holiday na nagmamarka ng unang New Moon ng taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble