Number coding scheme, inalis ng MMDA ngayong araw dahil sa nakaambang transport strike

Number coding scheme, inalis ng MMDA ngayong araw dahil sa nakaambang transport strike

INALIS ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding ngayong araw, Marso 6.

Ayon sa anunsiyong inilabas ng MMDA, lifted ang coding ngayong araw dahil sa inaasahang isang linggong transport strike.

Dagdag pa ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana na kanilang titingnan kung kakailanganin pang isuspinde ang number coding sa mga susunod na araw.

Nasa 25 sasakyang ‘Libreng Sakay’ ang ipapakalat ng ahensiya kabilang ang 4 na air-conditioned na bus, 2 non-airconditioned bus, at 13 commuter vans na maaaring magdala ng humigit-kumulang 1,200 pasahero bawat biyahe.

Nasa 1,200 sasakyan naman ang idedeploy ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region para tumulong sa mga stranded commuter.

Follow SMNI NEWS in Twitter