Number coding scheme, suspendido sa June 28 para sa Eid’l Adha

Number coding scheme, suspendido sa June 28 para sa Eid’l Adha

SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa June 28.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad nila ito bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay kabilang sa dalawang holidays ng Islam na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon.

Kaugnay nito ay nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang proclamation 258 na nagdedeklara ng June 28 bilang isang regular holiday.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter