Number coding scheme suspendido sa May 12—MMDA

Number coding scheme suspendido sa May 12—MMDA

SUSPENDIDO ang number coding scheme sa Metro Manila sa May 12 o sa araw ng halalan ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Alinsunod na rin ito sa idineklara ng Malacañang na isang non-working holiday ang May 12 upang bigyang-daan ang mas maraming tao na makaboto.

Tuwing regular na araw o weekdays, ipinapatupad ang number coding scheme mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble