Number coding, suspendido pa rin ngayong Huwebes

Number coding, suspendido pa rin ngayong Huwebes

SUSPENDIDO pa rin hanggang ngayon, Hulyo 25 ang expanded number coding scheme ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasabay na rin ito sa anunsiyo ng Malacañang na wala ring pasok sa mga sangay ng pamahalaan at lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila, Region III, at Region IV-A.

Ang patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Carina at hanging Habagat ang itinuturong dahilan para sa suspensiyon.

Dahil dito, ipinaalala ng MMDA sa mga motorista na huwag bumiyahe kung hindi naman kailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble