Obispong nag-iimbak ng mga armas ng rebelde, pinangalanan ng pastor ng UCCP

Obispong nag-iimbak ng mga armas ng rebelde, pinangalanan ng pastor ng UCCP

TAHASANG isiniwalat ngayong araw ni Pastor Nathaniel Annas mula sa United Church of Christ of the Philippines (UCCP) ang nangyayaring katiwalian sa loob ng kanilang simbahan.

Ito ay ang pagkaka-involve ng mga obispo sa mga gawa ng CPP-NPA-NDF sa kanilang denominasyon.

Kabilang sa di-akalain ng naturang pastor ay ang pag-iimbak ng baril ng rebeldeng armadong kilusan sa mga simbahan.

Ang salarin, isang si Jeanne Escabal o “Ka Susan” na isang obispo at kasalukuyang may mataas na katungkulan sa simbahan.

Para naman kay Pastor Annas, handa siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kaniyang buhay sa pagsisiwalat niya ng mga gawa umano ng mga obispo sa kanilang denominasyon.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter