OCD: Maghanda na para sa “Big One”; posibleng 50,000 ang masawi

OCD: Maghanda na para sa “Big One”; posibleng 50,000 ang masawi

ANG kamakailang 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar ay muling nagbigay-diin sa panganib ng malalakas na pagyanig, na nagpaalala sa atin ng posibilidad ng “Big One.”

Ibinahagi ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na ang West Valley Fault System ay may potensyal na gumalaw at magdulot ng matinding lindol.

Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral ng mga eksperto, ang West Valley Fault ay gumagalaw lamang tuwing 400 hanggang 600 taon. Ang huling paggalaw nito? Noong 1658. Kung muling gagalaw ito, asahan na ang isang 7.2 magnitude na lindol na maaaring magbago ng lahat.

“If you will move that forward, kelan ‘yong 400 year, papasok ‘yan around 2058 of course hindi naman eksakto. These are estimations. So, 400-600 years ‘yung paggalawa kaya pinag-uusapan na ‘yan,” saad ni Usec. Ariel Nepomuceno, Administrator, Office of Civil Defense.

Sakaling maganap ang Big One, tinatayang mahigit 50,000 katao ang maaaring mawalan ng buhay, at higit sa 100,000 naman ang maaaring ma-injure batay sa mga pag-aaral. Asahan na rin ang libu-libong gusali at bahay na magko-collapse.

“Around 162,000 individuals will be seriously injured. Kandidato din ‘yan na mamamatay.”

“Then simultaneous fires will happen and buildings will collapse. Based on the studies, 2,000 will be heavily damaged, around 500,000 houses will collapse.”

“Dapat talaga tayong mabahala, talaga… Awareness,” ani Nepomuceno.

Dahil sa taya na maaaring mangyari ang susunod na pagyanig sa 2058, may panahon pa ang bansa upang maghanda. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi na dapat palampasin ang pagkakataong maghabol sa mga paghahanda.

Ang pinakamahalagang hakbang ay tiyakin na ang ating mga gusali at bahay ay may matibay na istruktura at sumusunod sa mga minimum na building codes.

“Kahit gaano kaganda ‘yung tinuturo natin na… Mamatay,” ayon pa kay Nepomuceno.

Sa kabilang banda, hinihikayat ng mga private sector ang publiko na huwag tangkilikin ang mga substandard na construction materials. Dapat tiyakin na ang mga produktong bibilhin ay may aprubadong logo mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

“Dapat po may… Sumusunod ang lahat,” saad ni Mr. Ronald Magsajo, President, Philippine Iron and Steel Institute (PISI).

Muling iginiit ng Department of Science and Technology (DOST) na sa planta pa lamang, tinitiyak nilang tama na ang proseso sa paggawa ng mga construction materials bago pa ito ialok sa merkado.

“Ang prevention can be done by process edit, dapat ang planta, disenyo na mga… Lalabas sa process,” wika ni Mr. Roberto Cola, Member, DOST MIRDC GC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble