PINALAWIG pa ang deadline sa pagsumite ng monitoring reports para sa Overseas Filipino Workers (OFW) ng mga recruitment agencies, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ito ay bilang pagtugon sa hiling ng ilang recruitment at manning agencies na naapektuhan ang operasyon dahil sa quarantine restrictions.
Sa abiso ng POEA, extended hanggang April 30 ang pag-update sa record ng OFW monitoring reports, ayon sa Welfare Monitoring System (OMWS).
Kabilang sa mga impormasyong kinakailangan ibigay ng agencies ay ang kondisyon ng mga newly deployed OFWs onsite at seafarers na onboard ng hindi bababa sa tatlong buwan.
Gayunman, nagpaalala ang POEA na huwag nang hintayin ang deadline upang maiwasan ang aberya at mapatawan ng sanction.