1-K swab tests kada araw, target ng Lungsod ng Davao

TARGET ng pamahalaan ng Lungsod ng Davao ang 1,000 swab tests kada araw sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

(BASAHIN: Mga nakarekober sa COVID-19 sa Davao del Norte, dumami)

Ayon kay Davao City Health Office Acting Head  Dr. Ashley Lopez  kabilang din sa pagbaba ng bilang ang aktibong case finding at surveillance activities sa mga komunidad kaya’t hinihikayat nito ang publiko na boluntaryong makiisa sa surveillance swabbing na isinasagawa ng pamahalaang lungsod upang maiwasan ang transmission ng COVID-19.

“With this active case-finding in our surveillance activities and our intensified contact tracing, we expect more to be tested and our target is at least 1,000 testing per day. We also expect to detect more positive cases. Luckily, our positivity rate is still low,” pahayag ni Lopez.

Ayon kay Dr. Lopez, ang surveillance swabbing ang siyang magdedetermina ng epekto ng COVID-19 response efforts ng lungsod at upang masiguro na bumababa ang bilang ng kaso dito.

Dagdag pa rito kinumpirma rin nito ang pagbaba ng kaso sa Davao City sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso sa National Capital Region (NCR) pero paalala nito na hindi pa rin dapat magkumpiyansa.

“The turnout of the surveillance swabbing that we are having right now, indeed, proved that our cases against COVID-19 here in Davao are really slowing down. I would say our COVID-19 community transmission within Davao City is going down,” ani Lopez.

Ayon pa kay Dr. Lopez, nasa 3,000 indibidwal na ang nasuri sa pamamagitan ng surveillance swabbing nitong nakaraang dalawang linggo simula ng implementasyon nito na may low positivity rate.

Nasa 57 rito ang nagpositibo sa SARS-Cov-2 na siyang sanhi ng coronavirus disease.

Aniya, magdaragdag pa sila ng mga aktibidad tulad nito lalo na sa mga establisimyento at high-risk barangays.

“Almost every day, we have a schedule, our in-charge already prepared an itinerary for this. For the whole month, we have schedules already. Not only in public places but also in several workplaces and high-risk barangays,” dagdag ni Lopez.

Samantala, hinihikayat naman ni Dr Lopez ang mga kababayang Dabawenyo na mag-avail ng libreng consultation sa kanilang pinakamalapit na barangay health districts kung nakakaranas ng sintomas ng nakamamatay na virus upang maiwasan ang pagkalat nito.

SMNI NEWS